Wednesday, November 26, 2008

Baron Geisler admits admiration for KC Concepcion

Controversial actor Baron Geisler has revealed his admiration for actress-singer KC Concepcion.

Geisler said that he would like to work and do a project with the Megastar's first child.

"Isa po siya sa pina-pangarap kong maka-trabaho... Dream girl ko po siya (cause) she's very spiritual... (a) God-fearing person," Geisler said.

Geisler said that he already met Concepcion and they sometimes send messages through SMS but nothing is serious about it.

"Text-text 'hi hello' pero nothing deeper than that," he said.

When asked if he's planning to woo Concepcion, Geisler said: "Kung may pagkakataon kakaibiganin ko, at we will walk together with the Lord as friends."

Geisler is now busy promoting his upcoming film "Baler" with actress Anne Curtis and actor Jericho Rosales.

"Baler" is one of the official entries to this year's Metro Manila Film Festival.

Geisler is also thrilled to invite everyone to watch his newest television project entitled "Eva Fonda" with actress Cristine Reyes as Eva.

"Eva Fonda," will be aired starting December 1st as one of ABS-CBN's Primetime Bida shows.

He also shared that Star Cinema will release next year his movie "Jay," for which he bagged his Best Actor Award.

 

- abs-cbnNEWS

Saturday, November 22, 2008

Yayo Aguila and family move on but still hope for good outcome on case against Baron Geisler

Puro trabaho ang inaasikaso ni Yayo Aguila kahit nga alam ng marami ang situwasyon nila ng asawa niyang si William Martinez na may kinalaman pa rin sa kasong Acts of Lasciviousness na isinampa nila laban kay Baron Geisler.

Ito ay may kinalaman sa nangyari noon sa anak nilang si Patrizha na ginawan diumano ng hindi maganda ni Baron.

"Tahimik lang naman kami habang hinihintay pa rin namin ang resolution," sabi pa ni Yayo. "Gusto lang naming klaruhin dahil ang dami-rami nang balitang kumakalat na kesyo lumabas na raw ang resolution.

"Na-dismiss na raw ang kaso, which is not yet true. Natatagalan nga. Hindi namin alam kung bakit. HinIhintay pa rin namin.

"Hopefully, maging okey na ang lahat."

Ipinagtapat ni Yayo sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nang makapanayam namin siya—habang naghihintay ng pagsalang niya sa taping ng Shall We Dance? kahapon sa TV5 sa Novaliches, Quezon City—ang over-all impact sa anak niyang si Patrizha ng kabuuang kaso.

"Noong una, siyempre, super-affected siya. Hindi naman yun isang maliit na bagay lang na araw-araw, puwedeng mangyari, at hindi mo naman basta mapapalampas.

"Kaya nga nagsampa kami ng kaso, e. Pero, sa pagdaan ng mga araw, siyempre, humupa na rin ang tension and everything. Nagpapaka-busy na siya sa work. Kaka-graduate lang niya ng college, at lagi niyang kasama ang friends niya," kuwento pa ni Yayo.

Adult na kung tutuusin ang anak niya. Alam na raw nito kung saan lulugar, at kung ano ang mararamdaman, depende sa situwasyon.

"Basta kami, patiently, naghihintay kami sa kalalabasan ng kaso. May ipinaglalaban kami.

"We're hoping for a good outcome. At the same time, we have to move on," sabi pa ni Yayo.

May counter-charge nga sa kanila si Baron. Perjury naman ang kaso.

"Perjury against me, at doon din sa kaibigan ng anak ko. May statement siyempre ako, na hindi raw totoo. Mga ganoon," aniya pa.

Hindi ba siya nabubuwisit kung parang nababaligtad pa ang istorya laban sa kanila?

"Siyempre, kung ano ang sasabihin ni Baron at ikakatuwiran niya, yung makabubuti sa kanya. Right niya yun, e.

"It's a universal thing. Honestly, hindi naman ako puwedeng magalit, e.

"Kahit sino, right nila yun. Yun din lang ang sasabihin mo, inaakusahan ko, hindi ka guilty. Ganoon lang yun," sabi pa ni Yayo.

TORN. Pero, aware si Yayo na wala siyang power para sabihin sa mga tao na definitely, guilty nga si Baron sa kasong isinampa nila laban dito.

"Kaya nga may hustisya. Para roon nga ma-prove, at maimbestigahan nga kung ano ang totoong nangyari.

"Hindi ako nagagalit, pero alam mo, hindi ko puwedeng sabihing hindi ako nagagalit, pero nagngingitngit ako.

"Pero, wala naman akong magagawa. At the same time, ang laki ng panghihinayang ko. Kasi, open book naman sa mga tao kung gaano kami naging close ni Baron," seryosong nasabi pa ni Yayo.

Parang anak na nga raw niya ang turing niya rito noong nasa Pinoy Big Brother Celebrity Edition pa sila noon.

"Maski ang family ko, alam nila kung gaano ako ka-close sa kanya," pagtatapat pa ni Yayo.

"I really, really treasure the friendship. But, again, something happened. It involves my family, 'tapos, anak ko pa. Isipin mo na lang kung ano ang kinalalagyan ko," dugtong pa niya.

Marami na nga raw nakakaabot sa kanya na sinasabi ng iba tungkol kay Baron, kasama na roon ang sinasabing atraso rin daw ni Baron kay Emilio Garcia noon, na may kinalaman din sa anak nitong huli.

"Sa akin naman, problema ni Baron yun sa iba. Pero, at the back of my mind, bakit sa anak ko pa niya ginawa yun, di ba? Mahirap talaga ang situwasyon ko," tuluy-tuloy na nasabi pa ni Yayo.

PUBLIC APOLOGY WILL DO. Kung anuman daw, nasabi ni Yayo na handa silang tumanggap ng paumanhin o public apology kay Baron kung gagawin nga niya yun.

"Pero, sabi nga ni William, hindi lang ganoon kadali yun. Siya raw ang gagawa pa ng paraan para matiyak lang na masasamahan niya si Baron sa pagpapa-rehab nito sa pagka-alcoholic, nang sa gayon, maiwasan nang mangyari pa uli sa ibang kabataang babae ang nangyari sa aming anak," nasabi na lang ni Yayo.


- by Archie de Calma, PEP